Dismayado si Senador Sherwin Gatchalian sa malaking posibilidad na naaabuso ang Good Conduct Time Allowance o GTCA
Ayon sa Senador, isang kaso pa lamang ang isyu ng pagpapalaya kay dating Caluan Mayor Antonio Sanchez sa libo libong dapat suriin ng mga otoridad.
Kinuwestyon din ni Gatchalian kung sino-sino ba ang humahawak ng pag bibigay ng grado sa mga preso na umanoy pasok sa GCTA.
Sinu ang taga grado? Eh hindi naman to siguro umaakyat sa Department of Justice (DOJ) or doon sa director ng Bucor mismo. Ito yung mga nasa baba lang na nagbibigay ng grado. Eh kung sila-sila nalang ang nag-uusap magiging delikado itong batas na ito dahil pwedeng abusuhin.
Dagdag pa ni Gatchalian, hindi rin malinaw at naging komplikado umano ang GCTA kaya nagiging magulo ito habang naaabuso ang implementasyon nito.
May batas tayo na komplikado at hindi malinaw, tapos naabuso pa yung pag i-implementa, ah ganito nangyare mga drug lords at rapists ay nakawala. — Pahayag ni Sen. Gatchalian sa panayam ng DWIZ
(Ratsada Balita Interview)