Higit 100 bilyong pisong halaga na mga proyekto ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang nadelay at hindi natuloy.
Ayon sa inilabas na report ng COA o Commission on Audit, halos 4,000 proyekto ng ahensya ang hindi natapos sa takdang oras, halos 300 ang suspendido at 18 ang hindi na itinuloy.
Mayroon umanong mga hindi ikinunsidera ang mga contractor ng mga proyekto kaya hindi ito itinuloy.
Dinipensahan naman ng COA ang DPWH at sinabing hindi ito kasalanan ng ahensya.
Anila, hindi na kontrolado ng ahensya ang ilang mga anila’y “outside factors” katulad ng pabago bagong lagay ng panahon.