Humihirit ng dagdag-presyo ang mga manufacturer ng ilang produktong de lata.
Ito ang inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng kanilang ginagawang monitoring kasama ang Department of Agriculture sa mga palengke at supermarket para suriin ang presyo ng mga bilihin.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, nakatakda itong desisyunan bago matapos ang Setyembre.
Samantala, ipinabatid ng DTI na nakatakda namang ilabas sa Oktubre ang Suggested Retail Price (SRP) ng mga produktong pang-noche buena.