Magdadagdag ang Department of Education (DepEd) ng 10,000 mga guro sa susunod na taon.
Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, ang mga bagong guro ay may starting salary na 21,000 piso kada buwan.
Makakatanggap din aniya ang mga pampublikong guro na 2-month paid vacation, bonuses at “special hardship pay” para sa mga madedestino sa malalayong lugar.
Magugunitang mahigit 40,000 mga guro ang orihinal na plano sana ng DepEd na idagdag ngunit dagdag na 10,000 guro lamang ang inaprubahan umano ng Department of Budget and Management (DBM).