Lalo pang lumakas ang bagyong Liwayway habang patuloy na kumikilos sa direksyong hilaga, hilagang kanluran.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 255 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometro malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 105 kilometro kada oras.
Nakataas pa rin ngayon ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes.
Hindi naman inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo at inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa pagitan ng Miyerkules ng gabi hanggang Huwebes ng umaga.
Samantala, asahan naman ang kalat-kalat na mahina hanggang katamtamang at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan bunsod ng habagat sa Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Panay Island, Guimaras, at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region.