Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Catanduanes dahil sa lumolobong bilang ng kaso ng dengue.
Ito’y makaraang pumalo na sa halos 2,000 ang dengue cases sa naturang lalawigan mula Enero hanggang Agosto ngayong taon (2019).
Lubhang mataas ito kumpara sa 100 dengue cases na naitala naman noong nakaraang taon (2018).
Maging ang mga hallways at mga conference rooms sa mga ospital ay ginagamit na rin bilang wards upang matugunan ng mga ospital ang lumolobong bilang ng kanilang mga pasyente.
Tumutulong na rin ang pulisya na rehistrado ring mga nurse sa pagtugon ng mga pangangailangan ng mga natamaan ng denue.
Samantala, magugunitang idineklara ng Department of Health (DOH) ang national dengue alert noong Hulyo 15 makaraang pumalo na sa mahigit 100,000 ang kaso ng dengue sa bansa mula Enero 1 hanggang Hunyo 29 ngayong taon.