Nakastandby na ang tracker team ng Philippine National Police (PNP) sakaling may bumabang kautusan na dakpin ang mga pinalayang bilanggo sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, agad kikilos ang tracker team sa sandaling mabaliktad ang desisyon ng Bureau of Corrections (BuCor) na palayain ang mga bilanggo kahit pa nasentensyahan dahil sa henious crimes.
Sinabi ni Albayalde na plano nyang magpadala ng liason officer sa BuCor upang makakuha ng listahan at iba pang impormasyon sa mga napalayang mga bilanggo.
Nais anya nila na imonitor ng tracker team ang aktibidad ng mga nakalayang bilanggo upang matiyak na hindi nagbalik sa kanilang dating gawi.