Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon para payagan ang same-sex marriage sa Pilipinas.
BREAKING: Korte Suprema, ibinasura ang petisyon na naghahangad na isaligal ang same-sex marriage sa Pilipinas pic.twitter.com/u4fixlywSO
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 3, 2019
Sa desisyon ng Supreme Court en Banc na ipinonente ni Associate Justice Marvic Leonen, ibinura ang inihaing petisyon ni Atty. Jesus Falcis dahil sa kawalan ng substansya ng kanyang argumento.
Gayundin ang paglabag ni Falcis sa prinsipyo ng hierarchy of the court nang wala itong maipakitang sapat na pamantayan sa inihaing petisyon.
Iginiit din ng Korte Suprema na hindi tinutukoy at hinahadlangan ng 1987 Constitution ang kasal batay sa kasarian, gender sexual orientation, gender identity o expression.
Magugunitang inihain ni Falcis ang petition for certiorari and prohibition para ideklarang unconstitutional ang article 1 at 2 ng family code at ipawalang bisa ang article 46 art 55 noong 2015.