Umaasa ang Philippine National Police (PNP) na maaaprubahan sa kongreso ang hirit nilang karagdagang pondo sa ilalim ng panukalang 2020 proposed national budget.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde ay para maipambili nila ng mga makabagong kagamitan bilang bahagi ng kanilang kampaniya kontra terorismo na aniya’y napapanahon na.
Gayundin, sinabi ni Albayalde na inihihirit din nila ang karagdagang pondo para sa intellegence capability na isinusulong din ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mula sa mahigit P15-B pondo para sa taong ito, sinabi ng PNP chief na nasa P800-M lamang dito aniya ang nakalaan para sa kanilang intellegence fund.
P600-M dito ang nakalaan para sa national support units gayundin sa general headquarters ng PNP sa Kampo Crame habang P150-M naman ang nakalaan para sa lahat ng police regional office sa buong bansa.
With report from Jaymark Dagala