Aminado si Department of the Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na kulang ang 10 araw para repasuhin ang Implementing Rules and Regulations (IRR) sa Good Conduct Time Allowance law (GCTA).
Kaya naman nais ng kalihim na palawigin pa ang umiiral na suspensyon sa naturang batas upang mapag-aralan pa itong maigi ng binuong technical working group dahil sa napakarami nitong butas.
Mananatili aniyang suspendido ang GCTA hanggang sa matapos na ang kanilang ginagawang review sa batas at kanilang irerekumenda ang pag-amiyenda rito.
Kasunod niyan, inatasan na ni Año ang isa sa kaniyang mga Undersecretary gayundin si BJMP Director Jail C/Supt. Alan Iral na samahan ang lupon para talakayin ang malalabong probisyon ng batas.
Agosto 26 nang suspindehin ang pag-iral ng GCTA matapos pumutok ang usapin ng pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez at sa halos 2,000 bilanggo sa New Bilibid Prison dahil sa GCTA.
With report from Jaymark Dagala.