Nais ng 3 Senador na ipawalang bisa ang batas sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) na nagbabawas sa panahon sa bilangguan ng mga naturang kriminal.
Sa explanatory note ng panukala nina Senate President Vicente Sotto III, Senador Panfilo Lacson at Richard Gordon, kanilang iginiit na bagama’t malaki ang maitutulong ng GCTA para mabawasan ang overpopulated nang kulungan sa bansa.
Mas makatarungan at makatuwiran pa rin anilang bawiin ang pagpapatupad nito kung magreresulta lamang ito ng sama ng loob ng mga biktima at kanilang pamilya na naghahanap ng hustisya.
Binigyang diin pa ng tatlong senador na nagbabago ang batas na karaniwang nakabatay sa dinidikta ng lipunan at pagbabagong nangyayari sa bansa.
Samantala, inirerekumenda rin ni Sotto ang pag-amyenda sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ng GCTA bilang solusyon sa maling interpretasyon nito at matigil ang pagsasamantala sa nasabing batas.
With report from Cely Ortega-Bueno