Inaasahan na umano ng mga mangingisda ang pagbasura sa inihaing Writ of Kalikasan.
Ayon kay Pamalakaya National Chair Fernando Hicap, malaki ang naging epekto dito ng pakikipagkasundo ng administrasyong Duterte sa China hinggil sa mga usapin sa West Philippine Sea.
Dagdag pa ni Hicap, hindi lang sana ang mga mangingisda ang makikinabang sa pagtatagumpay ng Writ of Kalikasan kundi mabibigyan din ng proteksyon ang teritoryo ng bansa laban sa mga dayuhan at may mga pansiriling interes dito.
Una rito, ibinasura ng Korte Suprema ang Writ of Kalikasan petition at Writ of Continuing Mandamus na isinampa ng Integrated Bar of the Philippines at 44 na mangingisda mula Zambales kaugnay sa usapin ng West Philippine Sea.