Nababahala na ang grupong bantay bigas sa sobrang pagbaba ng presyo ng palay.
Ayon kay Cathy Estabillo, tagapagsalita ng grupo, ang pag-iral ng rice tariffication law ang siyang unti-unting pumapatay sa hanapbuhay ng mga magsasaka.
Binabarat na aniya ng husto ang mga magsasaka sa Central Luzon.
Umaabot na lamang ngayon umano sa 7 pesos hanggang 10 pesos ang kada kilo ng palay mula sa dating 17 hanggang 21 pesos noong 2018.