Nakatakdang makipagpulong si Agriculture Sec. William Dar sa mga rice trader.
Ito ay upang hilingin sa mga ito na makiisa sa layuning matulungan ang mga magsasaka sa bansa.
Aminado naman si Noel Reyes, tagapagsalita ng Department of Agriculture (DA) na mga negosyante ang nasusunod sa pagtatakda ng presyuhan ng palay.
Una rito , nakipagpulong na si Dar sa mga Gobernador ng 17 lalawigan para pagusapan ang pagbili ng palay sa mga magsasaka ng mismong lokal na pamahalaan.