Patuloy pa rin umanong bibili ng palay ang National Food Authority (NFA) sa mga magsasaka.
Ito ang tiniyak ng Department of Agriculture sa gitna ng pagdaing ng mga magsasaka hinggil sa pagbagsak ng presyo ng palay.
Ayon kay Noel Reyes, tagapagsalita ng Department of Agriculture, sinabihan ni Secretary William Dar ang NFA na huwag patagalin ang mga bigas sa kanilang mga bodega lalo na ang mga imported.
Dapat umanong maibenta agad ang mga imported na bigas para may pambili ng palay sa mga magsasaka.