Minamadali na ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang kanilang ikinasang imbestigasyon laban kay BuCor Chief Nicanor Faeldon.
Ayon kay PACC Commissioner Manuelito Luna, kailangan nilang bilisan ang proseso ng imbestigasyon dahil hindi maituturing na ordinaryo ang sitwasyon kung saan halos 2,000 bilanggo ang convicted sa heinous crime ang pinalaya dahil sa GCTA.
Ani Luna, nais nilang linawin kay Faeldon ang tila mali nito umanong interpretasyon hinggil sa pagpapatupad ng GCTA at sa Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.
Hindi rin umano ligtas sa imbestigasyon ang ilang jail officials na lumagda ng release order para kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.