Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang galit sa mga kriminal na nakalaya kahit pa convicted sa heinous crime o karumal-dumal na krimen.
Ito’y matapos makalaya ang tatlo sa 7 pumaslang sa Chiong sisters rape slay case sa Cebu at ang muntik namang pagpapakawala kay convicted murderer-rapist Antonio Sanchez.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung mayroon lamang siyang pagkakataon ay gusto niyang patayin ang mga ito.
Aniya hindi siya natatakot o nababahala kahit siya ang ipalit sa loob ng kulungan.
Kaugnay nito, tiniyak din ng Pangulo na handa siyang ma-impeach at akuin ang responsibilidad sakaling may mamatay na ayaw sumuko sa mga pinalayang presyo na hindi kuwalipikadong mapalaya.
Given the propensity of ‘yung 1,700 including ‘yung pagpatay sa Chiong sisters pati ‘yung sa Sanchez. Iyan ang mga high-profile na galit ang tao. Galit ako pero, gusto ko silang patayin kaya lang wala namang opportunity,” anang Pangulo.