Naniniwala si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na may pananagutan ang kapwa niya Senador na si Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kaugnay sa mahigit 100 napalayang convicted sa heinous crimes sa New Bilibid Prison (NPD) dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay Lacson, maituturing na responsable rin dito si Dela Rosa dahil sa panahon niya bilang BuCor Chief napalaya ang mga naturang convict.
Giit pa ni Lacson hindi nasunod ang department order kung saan kailangan may “approval” ng secretary of justice bago mapalaya ang mga bilanggo na nahatulan ng panghabambuhay na pagkakakulong.
Una rito, inamin ni Dela Rosa na pumirma siya sa release orders ng nasa 120 convicts ng heinous crime mula Abril hanggang Oktubre 2018.