Mas mura na ang presyo ng palay kaysa darak dahil sa pagpapatupad ng rice tarrification law.
Nababahala na ang Department of Agriculture (DA) sa pagbagsak ng presyo ng palay.
Mula 17 piso kada kilo, sumadsad ito sa 7 hanggang 8 piso na lamang ang presyo ng palay kada kilo samantalang ang darak ay nagkakahalaga ng 12 piso kada kilo.
Ayon kay Sec William Dar, bago pa man maipasa ang rice tarrification law may mga nagsamantala nang trader at miller kaya bumagsak ang presyo ng palay.
Dagdag pa rito, problema rin ang mga importers na nang iipit ng mas murang imported rice kaya hindi bumababa ang presyo ng bigas sa merkado.
Sa panulat ni Lyn Legarteja.