Malabong makalusot sa Senado ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality (SOGIE) bill.
Ito ang pinaniniwalaan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, dahil labag umano ito sa saligang batas.
Ayon pa kay Sotto, naka sentro lang ang panukalang SOGIE bill sa iisang sektor kaya labag ito sa saligang batas.
Samantala, ito na ang huling serye ng pagdinig sa Senado kaugnay ng usaping SOGIE bill at babalangkasin nalang ang committee report na ipepresenta sa plenaryo.
Sa panulat ni Lyn Legarteja