Nabigo ang Gilas Pilipinas na manalo kontra sa Angola sa iskor na 81-84, sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa group phase ng FIBA World Cup 2019 sa bansang China.
Matapos ang pagkatalo ng Gilas laban sa Italy at Serbia, sinubukan parin nilang bumawi laban naman sa Angola ngunit hindi parin umubra sa huli.
Nangibabaw naman ang Gilas na may rank na no. 31 sa buong mundo.
Tumipon ng 23 points at 12 rebounds si Andray Blatche habang sinundan naman ito ni Cj Perez na nagtala ng 17 points.
Samantala, babyahe ang Gilas papuntang Beijing upang harapin naman ang Iran at ang matatalo sa hiwalay na laro ng Puerto Rico at Tunisia.
Sa panulat ni Lyn Legarteja.