Pinaghihinalaan ng ilang mga Senador na sindikato ang nasa likod ng pagkakalaya ng ilang mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, isang organized group sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor) ang maaaring nasa likod ng pagkakalaya ng nasa daang bilanggo kapalit ang milyong danyos.
Dagdag pa ni Sotto, base sa mga reports na kanyang natanggap, ang pagpatay kay dating BuCor Officer Ruperto Traya noong Agosto 27 ng hindi kilalang armadong lalaki sa Muntinlupa City ay konektado sa paglaya ng mga bilanggo dahil sa henious crimes.
Sa panulat ni Lyn Legarteja.