Ikinatuwa ng PhilHealth ang pagtaas ng bilang ng mga Filipinong miyembro ng ahensya.
Ayon kay PhilHealth Vice President Dr. Israel Francis Pargas, 89.4 milyon na ang mga benepisyaryo na sakop ng universal health coverage sa buong mundo.
Katumbas ito ng 88 porsyento ng populasyon ng bansa na mas mataas kumpara sa 86 na milyong Filipino na saklaw ng PhilHealth noong nakaraang taon.
Halos kalahati sa mga miyembro ng PhilHealth ay mga indigent kabilang ang mga sakop ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Pursigido naman ang PhilHealth na paramihin pa lalo ang kanilang mga miyembro dahil ang kanilang mandato ay siguruhing lahat ng mga pinoy ay mapagkalooban ng mga benepisyong pangkalusugan mula sa gobyerno.
By: Jelbert Perdez | Jonathan Andal