Patuloy na lumalakas ang Bagyong Liwayway habang kumikilos pahilaga patungong Southern Ryukyus
Huling namataan ang sentro ng Bagyong Liwayway kaninang 10:00AM sa layong 555 kilometro hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 205 kph.
Kumikilos ito pahilaga sa bilis na 10 kph.
Samantala, batay sa pagtaya ng PAGASA, nasa layong 860 km silangan, hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) at nananatiling mababa ang tiyansa na maging ganap na bagyo.
Inaasahan namang makalalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Liwayway mamayang hapon o gabi.