Inirekomenda ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda kay Pangulong Duterte na humingi ng special power sa kongreso para maipatupad ang Quantitive Restrictions (QR) sa pag-aangkat ng bigas.
Ayon kay Salceda, ito na ang maaaring “last resort” sa problema ng mga magsasaka hinggil sa pagsadsad ng presyo ng palay sa bansa.
Dagdag pa nito, maari ring maglaan ng cash transfers at concessional loans ang pamahalaan para sa mga magsasakang apektado.
Ang QR sa bigas ay ang paglilimita sa inaangkat na bigas mula sa ibang bansa.
Matatandaang inalis ang QR sa bigas nang maaprubahan ang Rice Tarrification law.