Binuksan ng Government Service Insurance System o GSIS ang isang emergency loan program para sa mga biktima ng dengue sa tatlong lalawigan sa bansa.
Ayon sa pamunuan ng GSIS, mayroong nakalaang higit 600 milyong piso para sa mga biktima ng dengue sa lalawigan ng Samar, Capiz at Palawan.
Mayroong hanggang sa ika-20TH ng Setyembre ang mga taga Capiz at Samar para makakuha ng naturang loan.
Hanggang sa ika-22 ng Setyembre naman pwede makuha ang loan ng mga taga Palawan.
Samantala ayon sa GSIS, mayroon ding emergency loan para sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.