Nakatakda nang ilabas ng Korte Suprema ang ulat kaugnay sa election protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ito ay kinumpirma ni Chief Justice Lucas Bersamin, kung saan nakahanda na umano ang report ni Justice Alfredo Benjamin Caguioa kaugnay sa revision ng mga balota mula sa tatlong “pilot” na probinsya.
Inaasahan aniya na, magiging daan ang ulat ni Caguioa para maungkat pa ang ibang isyu na ipinoprotesta ni Marcos.
Magugunitang, inireklamo ni Marcos ang tatlong probinsya kung saan naganap umano ang iregularidad sa naging resulta nuong eleksyon sa pagka bise presidente taong 2016.
Sa panulat ni Lyn Legarteja.