Itinanggi ng Meralco na kakulangan ng power supply ang dahilan nang pagsuspindi sa operasyon ng MRT-3.
Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, walang kulang na supply ng kuryente dahil malaki ang reserba ngayong araw na ito.
Internal aniya ang problema ng MRT-3 operations at walang kinalaman dito ang Meralco.
Ang pahayag ni Zaldarriaga ay kasunod na rin ng mga batikos sa Meralco na sinisisi sa suspensyon ng MRT-3 operations.