Posibleng isailalim sa Witness Protection Program (WPP) ang isa sa mga testigo hinggil sa umanoy Good Conduct Time Allowance o ‘ GCTA for sale’ sa New Bilibid Prisons (NBP).
Handa umano si Yolanda Camelon, kinakasama ng isa sa mga napalaya sa ilalim ng GCTA, na harapin ang kahihinatnatan ng kanyang pag amin sa pagdinig ng senado.
Ito ay matapos niyang tumestigo at umamin na nakipag ugnayan siya sa mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) at pumayag na makipagbayaran para makalaya ang kanyang kinakasama.
Ipinauubaya na ni Senador Richard Gordon sa Department of Justice ang desisyon kung isasailalim nga sa WPP si Camelon.