Isang Technical Working Group (TWG) ang binuo ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRM) para matiyak ang close monitoring sa bulkang Mayon sa Albay.
Pangungunahan ang TWG ng Department of Tourism (DOT) na inaasahang po-protekta sa seguridad ng mga turista na nais ang close interaction sa sikat na destinasyon.
Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Bicol Director Claudio Yucot, ilang turista na ang nakakalusot sa danger zones ng bulkan.
Hindi aniya otorisado ang mga nasabing aktibidad lalo nat nakataas pa ang alert level 2 status o ‘moderate level of unrest’ sa Mayon.
Sinabi ni Yucot na pinag usapan na rin nila ang pag repaso sa mga ordinansang nakakasaklaw sa mountaineering at trekking sa bulkan.