Makakaranas ng maulap na kalangitan, pagkulog, pagkidlat at magiging maulan ang panahon sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa southwest moonsoon o hanging Habagat.
Ayon sa PAGASA, magiging maulan sa bahagi ng Metro Manila, Central Luzon, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Dagdag pa ng PAGASA, makakaranas naman ng maaliwalas na panahon na may bahagyang maulap na kalangitan at localized thunderstorms sa bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Nakataas parin ang gale warning sa mga baybayin sa dulong bahagi ng hilagang Luzon, kanlurang bahagi ng hilaga at gitnang Luzon.
Samantala, asahang mararanasan ang hanging Habagat hanggang Oktubre at inaasahan ring papasok ang hanging Amihan sa katapusan ng nasabing buwan.
Sa panulat ni Lyn Legarteja