Maaaring italaga sa ibang posisyon sa pamahalaan si dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.
Ito ay kasunod ng ginawang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Faeldon matapos masangkot sa isyung muntik na paglaya sa convicted, rapist at murderer na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw umano na hindi kurapsyon ang isyung kinaharap ni Faeldon, kundi insubordination lamang.
Dagdag pa ni Panelo, polisiya ni Pangulong Duterte na corrupt na opisyal lamang ang hindi maaaring italaga sa ibang posisyon ng pamahalaan.
Sa panulat ni Lyn Legarteja