Nagkaloob ang Department of Agriculture (DA) ng P3,500 na ayuda sa kada baboy na pinatay sa mga lugar na timaan ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, kabilang dito sa nabigyan ng tulong ay mga nag aalaga ng baboy sa Guiginto, Bulacan ; Rodriguez at Antipolo sa Rizal.
Sa kabuuan aniya ay umabot sa P24.5M ang ayudang ibinagay ng ahensya.
Ani ni reyes, paunang tulong lamang ito at madadagdagan pa umano ito sa oras na malinis na nang mabuti at na-disinfect na ang lugar.
Una nang kinumpura ng DA na nagpostibo sa ASF ang 16 sa 20 blood samples ng mga namatay na baboy na ipinasuri pa sa United Kingdom (UK).