Pinaaaresto ng Sandiganbayan 5th Division si dating Iloilo Governor Niel Tupas Sr. at 3 kapwa akusado nito.
Kaugnay ito sa maanomalyang pagbabayad sa isang kumpanya ng apat na milyong piso ng hindi nagamit na kuryente.
Nakakita ng probable cause ang Anti Graft Court para mag-isyu ng arrest warrant gayundin ng hold departure order laban kay Tupas Sr. at 3 iba pa.
Ayon sa Sandiganbayan, hindi naman natuloy ang konstruksyon ng Iloilo Multi Purpose Convention Center at ang kabuuang bayarin lamang sa konsumo ng kuryente ay nasa halos 2 milyong piso gayung 4 million ang ibinayad ng provincial government.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)