Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba na tumaas pa ang presyo ng karne ng baboy lalo na sa panahon ng pasko.
Ayon kay Agriculture secretary William Dar, sapat ang suplay ng karne ng baboy hanggang sa Disyembre kaya’t walang dahilan para tumaas ang presyo nito.
Sinabi ni Dar na isa pang hiwalay na laboratory test ang kanilang hinihintay upang malaman kung anong strain ng African Swine Fever (ASF) ang kumapit sa mga baboy sa Rizal at Bulacan.
Sa pamamagitan anya ng dagdag na impormasyon ay maaaring itaas pa o medyo irelax ang biosecurity measures na kanilang ipinatutupad.