Welcome sa Malakanyang ang ipinataw na anim na buwang suspensyon ng Ombudsman sa may 30 opisyal ng Bureau of Corrections o BuCor at New Bilibid Prison.
Kaugnay ito ng kontrobersiya sa pagpapalaya sa mga bilanggong nahatulan dahil sa mga karumal-dumal na krimen sa ilalim ng GCTA o Good Conduct Time Allowance Law.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa simula pa lamang ay sinabi na aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaubaya sa Ombudsman ang imbestigasyon sa kontrobersiya.
Tiniyak din ni Panelo na may mananagot, oras na mapatunayang nagkaroon ng anomalya sa pagpapatupad ng GCTA Law at pagpapalaya sa ilang mga convict.
Magugunitang, lumabas sa pagdinig ng Senado ang umano’y pagbebenta ng GCTA sa malaking halaga ng pera sa loob ng NBP.