Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na bigyan ng escort ang mga ambulansya sa Metro Manila.
Ito’y matapos lumabas ang ulat ng Agence France Presse na maraming bilang ng pasyenteng sakay ng ambulansya na nasasawi sa daan dahil hindi agad nakararating sa ospital bunsod ng sobrang traffic.
Ayon kay Pangulong Duterte, kailangang tiyakin na agad na matutugunan ang pangangailangang medikal ng mga pasyenteng sakay ng ambulansya kaya’t mahalagang makarating agad ang mga ito sa ospital.