Isinusulong ngayon sa Kamara na gawing mandatory ang paglalagay ng dashcam at iba pang recording device sa mga sasakyan.
Nakasaad sa Motor Vehicle Digital and Electronic Recording Systems for Road Safety and Security Act (House Bill 4475) na dapat lahat ng motorista ay mag-install ng mga government certified system na maaaring magamit bilang ebidensya sakaling makasaksi ng isang aksidente o krimen at makakatulong din sa mga law enforcer na maresolba ito.
Batay sa panukala may tatlong (3) taon ang lahat ng may-ari ng sasakyan at car manufacturers na magkabit nito.
Tiniyak naman ni Iligan City Representatives Frederick Siao, naghain ng nasabing panukala, na mabibigyan pa rin ng proteksyon ang privacy ng isang tao kaugnay ng paggamit ng kuha ng mga dashcam.