Blangko pa ang pamahalaan sa pagkakakilanlan ng di umano’y operatiba ng Islamic State (ISIS) sa Pilipinas.
Ayon sa Anti-Terrorism Council Program Management Center, inaalam pa nila ang ilang detalye patungkol sa suspek sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanilang foreign counterparts.
Una rito, ipinahayag ng U.S. government ang pagpataw ng parusa sa mga terorista at supporters na kinabibilangan di umano ng isang operatiba sa Pilipinas.