Naalarma na di umano ang Department of Justice (DOJ) sa napaulat na maraming bilanggo sa New Bilibid Prisons ang balisa sa mga kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon kay Justice undersecretary Deo Marco, posibleng marami sa mga bilanggo ang nagnanais na malaman kung paano sila maaapektuhan sa pangkalahatan dahil kontrobersya.
Sinabi ni Marco na makabubuti para sa lahat kung mareresolba sa lalong madaling panahon ang mga isyung ipinupukol sa BuCor.
Una rito, napatay sa ambush si Ruperto Traya Jr. ng BuCor Documents Section.
Sinundan naman ito ng pananaksak ng isang inmate sa isang duty officer.