Gumagawa na ng position paper ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) hinggil sa isyu ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) at korapsyon sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).
Ayon kay Volunteers Against Crime and Corruption President Arsenio “Boy” Evangelista, sa kanilang isusumiteng position paper ay maglalagay na sila ng kanilang mga suhestiyon at rekomendasyon.
Isa na raw rito ang matagal nang panukala ni Senate President “Tito“ Sotto hinggil sa “isolation” ng mga kulungan.
Siguro isang ilalagay nga namin doon is i-abolish na yang New Bilibid Prison then gawing Regional, parang narinig ko si Sen. Sotto matagal na raw niyang sinasabe yan eh for every regional meron isang bilibid prison tapos may mga isolation din, isolated yung iba. Katulad nitong Bldg. 14, isolated, sila lang talaga na doon.
Ilalagay din nila sa kanilang rekomendasyon ang mas maayos na pasilidad para sa mga preso.
Create new facilities na maging desente rin yong pamumuhay nitong mga convicts, yong talagang meron silang tamang pagkain, facilities. — ani Evangelista sa panayam ng Ratsada Balita