Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang bayan ng Burdeos lalawigan ng Quezon sa dakong 4:28 ng hapon ngayong Biyernes, Setyembre 13.
Batay sa datos ng PHILVOCS natunton ang sentro ng pagyanig sa layong 40 kilometro norte 37 ° sa nasabing bayan.
Naramdaman din ang pagyanig na may Intensity 4 sa Jose Panganiban, Camarines Norte, at Quezon City. Naramdaman naman ang Intensity 3 sa Guinyangan, Quezon, Tagaytay City at Metro Manila.
Tectonic ang pinagmulan ng nasabing pagyanig at mayroon itong lalim ng 10 kilometro mula sa epicenter.
Asahan ang mga aftershocks sa ilang lugar.