Dahil sa bilyong-bilyong pisong nawawala sa gobyerno, iniimbestigahan na ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang umanoy sabwatan sa pagitan ng ilang tiwaling opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at ilang malalaking kumpanya ng bakal sa bansa.
Ayon kay PACC chair Dante Jimenez, literal na ninanakawan ang gobyerno dahil sa nakakapasok sa bansa ang ng mga inaangkat na mga bakal ng mga nasabing Steel company kahit hindi nagbabayad ang mga ito ng tamang buwis.
Dahil sa mga tiwaling opisyal ng BOC, naitatago o underdeclared ang mga nasabing mga bakal sa siyang dahilan kung bakit malaki ang nawawala sa kaban ng bayan ayon pa kay Jimenez.
Maalalang sa Senate hearing kamakailan, naunang isinawalat ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na mahigit P32B ang nawawala sa gobyerno dahil sa under declaration ng mga produkto na dumadaan sa BOC, at malaking bahagi nito ay ang inaangkat na mga bakal ng ilang malalaking Steel company.
Nakikipag ugnayan na ang PACC kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez dahil ang DTI ang nangangasiwa sa kalakalan ng bakal sa bansa.
Bukod pa kasi sa nawawalang buwis, may pangamba na posibleng hindi pasok sa Philippine Standard ang kalidad ng mga bakal na ipinupuslit ng mga tiwaling tauhan ng BOC at ng ilang malalaking kompanya ng bakal sa bansa.
Nakataya rito ang kaligtasan ng libu-libo nating mga kababayan,” —PACC Chair Dante Jimenez.