Hindi sisingilin ng buwis sa loob ng 15 taon ang mga negosyanteng bibili ng lupa at magpapatayo ng malalaking gusali sa Escolta na matatagpuan sa Binondo, Maynila.
Ito ang tiniyak ni Manila City Mayor Isko Moreno kasabay nang panawagan sa mga investors na tulungan ang lokal na pamahalaan na buhayin ang dating commercial center.
Magugunitang nagsilbing pangunahing distritong pangkomersiyal ang Escolta hanggang sa tumamlay ito noong dekada 60 kung saan lumipat ang sentro ng negosyo sa Makati.
Gayunman, nilinaw ni Moreno na maaari lamang humirit ng tax exemption ang mga negosyante na magtatayo ng gusali na mayroong 20 palapag habang ang 70% ng mga empleyado nito ay dapat mga residente ng Maynila.