3 ang sugatan habang bumagal ang daloy ng trapiko makaraang magkarambola ang 3 sasakyan sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Bocaue Bulacan.
Sa imbestigasyon ng traffic sector, ang aksidente ay kinasasangkutan ng isang closed van, isa pang van at suv kung saan naipit pa ang driver na si Peter Valencia.
Natagalan ang pag-rescue sa kanya dahil sa mabagal na takbo ng mga sasakyan sa NLEX Bocaue.
Pahayag ni Valencia, nawalan siya ng kontrol sa minamaneho niyang closed van makaraang pumalya ang preno nito.
Sugatan din ang 2 niyang pahinante habang suwerteng walang nasugatan sa mga pasahero ng dalawa pang sasakyan.