Pumanaw na si dating Senador at Gobernador ng Cebu na si Rene Espina sa edad na 90.
Ito ang kinumpirma mismo ng anak ni Espina na si dating Cebu City Councilor Erik Espina sa pamamagitan ng isang facebook post.
Kaugnay nito, nagpaabot naman ng pakikiramay ang Malakanyang sa pagpanaw ng dating Senador at inalala ang mga nagawa nito bilang isang public servant.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, si dating Senador Espina ang bumalangkas ng kauna-unahang anti-drug law sa batas o ang dangerous drugs act of 1972.
Nagsilbi din aniya si Espina bilang kalihim ng Department of Public Works, Transportation and Communication (DPWTC) noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Nanilbihan din si Espina bilang pinakabatang administrator ng Social Security Sytem sa administrasyon ni dating Pangulong Diosdado Macapagal sa edad na 33.