Nananatili pa rin ang higit 600 pamilya sa mga evacuation centers sa Zamboanga City dahil sa matinding pagbaha na dulot ng habagat at ng Bagyong Marilyn.
Base sa tala ng City Social Welfare and Development Office at CDRRMO o City Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa siyam na barangay pa rin ang lubog sa baha.
Kabilang dito ang Barangay Lunzuran, Tugbungan, Putik, Tetuan, Pasonanca, Baliwasan, San Jose Gusu at Patalon.
Samantala, inatasan naman ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco ang CDRRMO na maging alerto at maging handa sa mga posibleng mangyaring emergency senarios sa lalawigan.