Ikinasa na ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police ang may 121 nilang tracker teams.
Sila ang inatasang tutugis sa mga convicted criminals na napalaya sa ilalim ng GCTA o Good Conduct Allowance Law.
Ayon kay CIDG Deputy Director for Administration P/BGen. Bernabe Balba, binubuo aniya ang bawat team ng tig-limang miyembro
Magugunitang nagbigay ng palugit si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang Huwebes, Setyembre 19 para sa mga napalayang bilanggo na sumuko kung hindi ay tutugisin na ang mga ito