Muling makakaranas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw ng Lunes, Setyembre 16, bunsod pa rin ng southwest moonsoon o habagat.
Sa panayam ng DWIZ kay Samuel Duran, PAGASA weather forecaster, itinaas na ang Yellow Rainfall Warning ngayong umaga sa Zambales, partikular sa mga sumusunod:
- Iba
- Sta. Cruz
- Candelaria
- Masinloc
- Palauig
- Botolan
- Cabangan
Ang mga nabanggit na lugar ay makakaranas ng malalakas na pag ulan na maaaring magdulot sa pagbaha.
Asahan naman ang light to moderate rains sa sumusunod na lugar:
- Manila
- Tarlac
- Cavite
- Rizal
- Zambales
- Bataan
- Pampanga
- Bulacan
- Nueva Ecija
- Laguna
- Batangas
- Quezon
Dagdag pa ni Duran, magpapatuloy ang pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon sa susunod na 12 oras.
Samantalang ang ibang bahagi ng bansa naman ay maaring makaranas ng localized thunderstorms.