Pumalo na sa P12.12M ang inisyal na halaga ng pinsala sa agrikultura ng pananalasa ng bagyong Marilyn at habagat.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), pawang mga palayan ang matinding napinsala ng nakalipas na sama ng panahon sa bahagi ng Tarlac, Zambales at Pampanga.
Sinabi ng DA, patuloy pa rin ang ginagawang monitoring at validation ng kanilang mga regional offices para matukoy ang mga posibleng dagdag halaga ng pinsala ng bagyong Marilyn at habagat.
Magugunitang batay sa weather bulletin ng PAGASA, humina ang bagyong Marilyn at tuluyang naging Low Pressure Area (LPA) noong Sabado bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility.